Pumalo na sa 351,750 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,139 na bagong impeksiyon.
Ayon sa DOH, pinakamarami pa rin sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 1,003 habang 206 naman sa Cavite, 175 sa Rizal, 138 sa Laguna at 126 sa Iloilo.
Nadagdagan naman ng 786 ang bilang ng mga nakarekober dahilan upang umakyat na sa 294,865 ang total recoveries.
Samantala, 34 pang pasyente ang pumanaw dahil sa virus kaya’t umakyat na sa 6,531 ang death toll sa buong bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,139 ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Pumalo na sa kabuuang 351,750 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 50,354 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/U8awVs8H5G
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 16, 2020