Umakyat pa sa 444,164 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 1,387na bagong kaso ang Department of Health (DOH) habang 13 mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng datos.
Ayon sa DOH, pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Batangas na umabot sa 71, sinundan ng Quezon City na 70, Davao Del Norte na 64, Benguet na 59 at Quezon Province na 57 new cases.
Samantala nakapagtala naman ng 156 na mga bagong gumaling na pasyente ng COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 408,942 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober habang nadagdagan naman ng pito ang mga nasawi na mayroon ng kabuuang 8,677.
Nasa 26,545 naman ang bilang ng mga aktibong kaso na patuloy pa ring ginagamot o naka-quarantine.