Muling bumaba sa 1,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos pumalo sa 450,733 ang confirmed cases ng COVID-19 matapos madagdagan ng 1, 339 na mga bagong kaso ng virus.
Nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Quezon City sa 147, sumunod ang Davao City – 124, Rizal – 65, Laguna- 50 at lungsod ng Maynila -49.
Umakyat naman sa 418,723 ang total recoveries matapos maitala ang 41 bagong gumaling sa COVID-19.
Nasa 8, 757 na ang death toll nang madagdag ang 24 na mga bagong nasawi sa naturang impeksyon.
Samantala naitala sa 23, 253 ang aktibong kaso na sumasailalim sa gamutan o naka-quarantine kung saan 85.1% ang mild, 5.7% ang asymptomatic, 5.9% ang critical, 3% ang severe at .32% ang moderate.