Umabot na sa kabuuang 582,223 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 1,783 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 35,056 ang bilang ng mga aktibong kaso nito o nasa 6%.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 20 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 12,389 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
534,778 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 330 na mga bagong gumaling dito.