Umabot na sa mahigit 600,000 mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa bansa ngayong araw, Martes, ika-9 ng Marso.
Nasa 600,428 kabuuang kaso na ang naitala matapos madagdagan ng 2,668 mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas naman na case bulletin ng Department of Health (DOH), nasa may kabuuang 546,078 o 90.9% naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 171 mga kaso.
Nakapagtala naman ng 41,822 o 7.0% aktibong kaso sa bansa.
Samantala, nadagdagan ng pitong katao ang naitalang nasawi sa COVID-19 kaya’t umabot na sa kabuuang 12,528 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,668 ngayong Martes, Marso 9.
Pumalo na sa kabuuang 600,428 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 41,822 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/XmbqkrAG69
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 9, 2021