Nabawasan ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at apat na karatig na lalawigan hanggang sa katapusan ng Abril.
Base sa datos na inilabas ng local government units (LGU), nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng mga kaso na naiulat sa Maynila na may 3,000 noong ika-17 ng Abril kumpara sa 4,000 noong ika-15 ng Abril, Muntinlupa na may 1,500 kumpara sa 1,600 at sa Pasay na may 464 kumpara sa 480.
Sinabi ni Abalos na kung ibabalik sa enhanced community quarantine (ECQ), marahil ay lalong tataas ang bilang ng kaso at maraming Pilipino ang walang trabaho.
Samantala, una ng sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang implementasyon ng dalawang linggong ECQ sa bansa ay nagpapakita ng P30-bilyong pagkalugi sa kita ng sambayanan. —sa panulat ni Rashid Locsin