Pumalo sa mahigit na 5k ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inalabas na datos ng Department of Health, naitala ang 5,484 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 1, 455, 585.
Sa nasabing bilang nasa 49, 036 o 3.4% ang aktibong kaso.
3,925 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 1,380, 899 na ang bilang nito.
25, 650 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 191.