Nadagdagan pa ng higit sa 1,000 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 1,061 na mga bagong kaso ng virus dahilan para lumobo ang bilang nila sa kabuuang 435,413.
Sa naturang bilang, 27, 642 o 6.3% ang itinuturing na active cases.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 328 na mga bagong gumaling sa virus, kaya’t umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 399,325.
10 naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi dahilan para umakyat ito sa 8,446.