Naitala ng health department ang 6,098 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Ayon sa ahensya, ito ang dahilan ng paglobo ng kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus sa bilang na 1,155,045.
1,230,301 naman ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 bansa makaraang maitala ang panibagong kaso na 6,684.
Sa ngayon, nananatili pang may 54,290 o 4.4% na mga aktibo sa virus.
107 naman ang bagong naitalang nasawi sa virus dahilan para lumobo ang kabuuang bilang nito sa 20,966.