Sumampa muli sa mahigit 7,000 o nasa 7, 217 ang mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan kaya’t pumapalo na sa 1,247,899 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa.
Dahil dito ipinabatid ng DOH na umakyat pa ang active cases ng COVID-19 sa 55, 790 kung saan 93. 6% ang mild, 2% ang asymptomatic, 1.8% ang severe at 1.4% ang critical condition.
Ayon pa sa DOH nasa 1,170, 752 ang total recoveries matapos madagdag ang 3,483 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Samantala sumirit naman sa 21, 357 ang total deaths matapos madagdag ang 199 na mga bagong nasawi sa nasabing virus.
Inihayag pa ng DOH na 56% ng ICU beds ng bansa at 37% ng mechanical ventilators ay nagagamit na.