Sumampa na sa 1,572,287 ang COVID-19 cases sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 5,735 cases kahapon.
Kabilang dito ang 97 cases ng Delta variant na na-detect kaya’t umakyat na sa 216 ang kaso ng mas nakahahawang klase ng COVID-19.
Nasa 56,273 ang aktibong kaso habang 4,069 ang bagong recoveries kaya’t tumungtong sa 1,488,437 kabuuang gumaling.
Nakapagtala naman ng 176 fatalities kaya’t sumirit na sa 27,577 ang mga namatay. —ulat mula kay Drew Nacino