Anim pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadagdag sa araw na ito.
Dahil dito, inianunsyo ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa 193 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, pito (7) ang nakarecover na samantalang 14 ang nasawi.
Nagbabala si Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 75,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa sandaling umabot na tayo sa pinaka-‘peak’ o tugatog ng pagkalat ng impeksyon.
Gayunman, malaki anya ang posibilidad na mabawasan ito kung magtatagumpay ang ipinatutupad na Luzon-wide community quarantine.