Pumalo na sa 3,658,892 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 1,671 na panibagong kaso ng virus kung saan nasa 55,140 na ang active cases sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,547,528 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 1,586.
Habang papalo na sa 56,224 ang kabuuang nasawi matapos madagdagan ng 59 na bagong namatay sa COVID-19.