Pumalo sa 1,411 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa huling tala ng Department of Health (DOH).
Dahil dito umakyat na sa kabuuang 564,865 ang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa
Sa nasabing bilang, 5.3% ang aktibong kaso.
16 naman ang napaulat na nasawi dahilan para umakyat sa 12, 107 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.
Nasa 72 naman ang gumaling sa COVID-19 na sa ngayon ay mayroon nang 522, 941 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.