Nananatili umanong pababa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa kabila ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa NCR Plus bubble.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA Research, posibleng maramdaman ang epekto ng modified enhanced community quarantine (MECQ) “flexi” sa mga susunod pang linggo.
Ani David, mapapansin na ang downward trend sa bilang ng kaso ngunit hindi pa aniya ito masasabing stable dahil ilang local government unit (LBU) pa ang paiba-iba o hindi pa bumaba ang COVID-19 cases.