Patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), pumapalo na sa 636 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa hanggang 4:00 p.m. ng hapon kahapon.
84 ang naitalang bagong kaso ng nasabing virus sa nakalipas na magdamag.
Samantala, sinabi ng DOH na anim pang pasyente ng naka recover mula sa COVID-19 kaya’t umabot na sa 26 ang total recoveries.
Tatlo naman ang nadagdag sa death toll sa COVID-19 na ngayo’y nasa tatlumput walo na.