Umabot na sa kabuuang 516,166 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 1,173 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 30,357 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 94 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 10,386 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
475,423 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 18 na mga bagong gumaling dito.