Sumampa na sa 415,067 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,639 na bagong karagdagang kaso.
Sa bilang na ito, pinakamarami pa rin sa Davao City na 113 na sinundan ng Laguna na 76; Quezon City na 75; Rizal na 75 din at Cavite na 63 na bagong confirmed cases.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng DOH, umakyat na sa 8,025 ang death toll sa bansa kasunod ng pagpanaw ng 27 pang COVID-19 patients.
Samantala, nadagdagan naman ng 31,805 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit dahilan upang pumalo na sa 375,237 ang total recoveries sa bansa.