Nakapagtala na ng halos 2,000 karagdagang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahilan kaya’t umabot na ang mga kaso ng COVID-19 sa kabuuang 494,605.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), umabot naman sa 25,614 o 5.2% na mga aktibong kaso ang naitala ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Enero.
Nangunguna naman ang Davao City sa may mataas na kaso na naitala ngayong araw sa 136, sinundan naman ng Quezon City na may 107, Agusan Del Sur – 61, Dagupan City – 57, at Cavite na mayroong 54 na mga kaso.
Samantala, nakapagtala naman ng may kabuuang 459,252 na mga gumaling sa COVID-19 matapos madagdagan ng 746 at nasa may kabuuang 9,739 na mga kaso ang nasawi matapos madagdagan ng 40 na kaso sa bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,912 ngayong Huwebes, Enero 14.
Pumalo na sa kabuuang 494,605 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 25,614 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/an28uftn5d
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 14, 2021