Pumapalo na sa 412,097 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang 1, 383 na bagong infection.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 81 sumunod ang Laguna – 74, Batangas – 71, Quezon City – 69 ay Rizal – 67.
Ipinabatid ng DOH na umakyat na sa 376, 666 ang total recoveries nang maitala ang 143 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit.
Sumirit naman sa 7,957 ang death toll matapos madagdag ang 95 bagong nasawi sa naturang infection.
Naitala sa 29, 474 ang active cases na sumasailalim sa gamutan o quarantine kung saan 83. 8% ang mild, 8.3% ang asymptomatic, 2.7% ang severe at 4.9% ang critical condition.