Muling pumalo sa higit 11,000 ang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinadapuan ng COVID-19.
Sa inalabas na datos ng Department of Health (DOH), naitala ang 11,378 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 876,225.
267 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 703,625 na ang bilang nito.
15,149 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 204.