Sumirit pa sa 1, 013, 618 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 7, 204 na mga bagong kaso ng virus.
Ipinabatid ng DOH na naitala sa 71, 675 ang aktibong kaso ng virus kung saan 95. 2% ang mild, 1.5% ang asymptomatic, 1.3% ang severe at 1.1% ang critical condition.
Samantala pumapalo sa 10, 109 pang mga pasyente ang mga bagong gumaling sa COVID-19 dahilan para umakyat na sa 925, 027 ang total recoveries.
63 naman ang naitalang bagong nasawi sa COVID-19 kaya’t sumirit na sa 16, 916 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa nasabing virus.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 7,204 ngayong Martes, Abril 27.
Pumalo na sa kabuuang 1,013,618 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 71,675 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/vi5zP6x5VG
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 27, 2021