Karagdagang 2,097 na Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon.
Dahil dito, sumampa na sa 3,967,861 ang total case load.
Nakapagtala rin ng karagdagang 34 deaths kaya’t lumobo na sa 63,264 ang fatality.
Nasa 26,357 naman ang aktibong kaso habang umakyat na sa 3,878,240 ang total recoveries.
Sa mga pinaka-bagong infections, 790 rito ay mula sa Metro Manila.