Maaaring umakyat sa 30,000 hanggang 40,000 kada araw ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Setyembre o Oktubre.
Ayon kay University of the Philippines COVID-19 pandemic response team Professor Jomar Rabajante, dahil ito sa mataas na positivity rate sa mga nati-test na indibidwal.
Binigyang-diin pa ni Rabajante na nananatiling mataas ang hospital occupancy rate sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Rabajante na mas mainam ang ‘granular lockdown’ kumpara sa malawakang lockdown.
Ito’y dahil na mas matututukan sa ilalim ng granular lockdown ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico