Asahan nang papalo sa 150,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa hangang sa katapusan ng Agosto.
Ang naturang projection ayon kay Professor Ranjit Rye ng UP OCTA research ang tinutukoy na exponential growth ng mga experts.
Sinabi ni rye na inirekomenda nila sa Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa modified ECQ ang Metro Manila o kaya naman ay panatilihin ito sa GCQ na may pinaigting na localized lockdown at pinalakas na testing, tracing at isolation.
Inihayag ni Rye na mataas pa rin o dapat ay nasa below 1 ang reproduction number ng virus o ang bilang ng mga taong napagpasahan ng virus ng infected person sa Metro Manila bagamat bumaba na ito mula 1.75 sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.4.
Samantala ipinabatid naman ni OCTA Research Team Member Professor Guido David na bumaba naman sa less than 1 o na sa .8 o .9 ang reproduction number ng virus sa Cebu City.
Una nang inihayag ng up OCTA team na para masabing na flatten na ang curve dapat ay nasa less than 1 ang reproduction number na kung more than 1 naman ay nagpapatunay na kumakalat ang pandemya.