Posibleng pumalo sa 230,000 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa sa katapusan ng Agosto.
Ito ang ibinabala ni Prof. Guido David ng University of the Philippines OCTA Research Group kasunod ng muling paglalagay sa Metro Manila at ilan pang karatig lugar sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay prof. David, ngayong GCQ ay hindi dapat mapanatag ang mga tao sa halip ay mas mag-ingat at sumunod sa safety protocols.
Bukod dito, umaasa si David na magiging epektibo ang ilang mga bagong ipinatutupad na safety protocol ng gobyerno tulad ng pagsusuot ng face shield at localized lockdowns.
Kasi ang average natin more than 3,000 cases per day, e, kaya ‘yon ang kailangan nating tutukan talaga ngayong MGCQ na tayo. ‘Yung mga localized lockdowns natin, hindi pwedeng mga two days na localized lockdown, kailangan talagang maiging localized lockdown. Tuluyan nating mapapababa kung ‘yun ang gagamitin natin. May localized lockdown tapos ‘yung testing i-increase pa natin,” ani David. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas