Itinaas ng UP experts ang projection nito hinggil sa magiging kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)sa bansa hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Ayon sa UP experts posibleng pumalo sa 85,000 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa hanggang July 31.
Nakasaad din sa projection ng experts ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na nasa 2,200 base sa pagtaya sa kasalukuyang reproduction number ng nasabing virus at hindi magiging epektibo ang mga hakbangin ng gobyerno.
Una nang inihayag ng up experts ang projection nitong anim napu hanggang pitumpung libong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Sa kanilang report sa Pangulong Rodrigo Duterte ipinabatid ng UP experts na nasa 1.75 at patuloy na tumataas ang reproduction number ng virus sa bansa o bilang ng mga infected na maaaring maglipat ng naturang virus.
Sa huling forecast ng experts nuong isang buwan nasa 1. 28 ang reproduction number na dapat ay nasa mas mababa lamang sa isa para maituring na na-flatten na ang curve sa kaso ng COVID-19.