Nanganganib pang sumipa ng hanggang 28 beses ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay kung dadami pa ang tatamaan ng variants of concern ng Sars-Cov 2 matapos mapaulat ang dagdag na kaso nito nitong nakalipas na weekend.
Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC ng DOH epidemiology division na 177 ang tinamaan ng B.1.1.7 variant na unng nadiskubre sa United Kingdom, 90 naman ang infected ng B.1.351 variant mula South Africa at isa ang may p.1 variant na mula sa Brazil.
Lumalabas sa mga pag aaral na naging mas nakakahawa ang Sars-Cov 2 virus matpaos mag mutate o magbago ng anyo at ito ay nakita sa tatlong variants of concern.
Sa ngayon ay nasa 4, 160 samples na ang naisailalim ng Pilipinas sa whole genome sequencing subalit wala pa sa pitong porsyento ang katumbas ng mga kaso ng variants of concern.
Ipinabatid ng DOH na limang rehiyon na ang may kaso ng B.1.1.7 variant na kinabibilangan ng Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, National Capital Region at Northern Mindanao.