Posibleng tumaas ang COVID-19 cases dahil sa Omicron subvariant BF. 7 na na-detect sa bansa at pagtitipon ng mga tao ngayong holiday season.
Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) ito’y dahil sa maluwag na restrictions.
Noong Biyernes, Disyembre 26, nang maitala ng Department of Health ang apat na kaso ng BF.7.
Samantala, pinaalalahanan ng PHAPI official ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum public standards tulad ng pagsusuot ng face mask.