Posibleng lumagpas sa 100,000 ang bilang ng kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto.
Batay ito sa pagtaya ni mathematics professor Dr. Guido David, miyembro ng UP Octa Research Group.
Ayon kay David, sa kasalukuyan, nadadagdagan ng halos 1,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw habang nakasama na sa listahan ng mga hotspots ang mga lugar na dating hindi nakapagtatala ng COVID-19 case.
Sinabi ni David, kung pagbabatayan ang nakikitang trend at kung hindi babaguhin ang sistema ng pamahalaan sa paghawak sa pandemiya, posibleng mas humigit pa sa 100,000 kaso ang maitala sa katapusan ng Agosto.
Iginiit ni David, dapat muling pag-isipan ng pamahalaan ang mga ipinatutupad na border restrictions, bilisan ang pagsasagawa ng testing, at agad isolate sa mga pasilidad ang mga matutuklasang positibo sa virus.