Tuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Deparment of Health (DOH) hanggang kahapon, Lunes nasa 6,459 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 na nadagdagan ng 200 kaso sa nakalipas na magdamag.
19 na pasyente ang nadagdag sa death toll na nasa 428.
Samantala , 41 naman ang gumaling sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras kayat pumapalo na sa 613 ang total recoveries ng nasabing virus sa bansa.