Mahigit 3,000 ang nadagdag sa bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo na sa 164,474 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdag ang 3,314 na bagong kaso ng naturang virus.
Patuloy naman ang pagsirit ng recoveries sa COVID-19 na nasa 112,759 matapos madagdag ang 237 bagong gumaling sa COVID-19.
Rumehistro naman ang total deaths sa 2,681 nang maitala ang 18 bagong nasawi dahil sa naturang virus.
Pumapalo naman sa 49,034 ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 91.1% ang mild cases, 6.5% ang asymptomatic, 1% ang severe at 1.4% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,314 ngayong Lunes, Agosto 17.
Dahil dito, pumalo na sa 164,474 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/3xlNGhizmX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 17, 2020