Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng mahigit 200 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 244 ang naitalang kaso, dahilan upang lumobo ang bilang sa 20,626.
Maliban dito, nakapagtala rin ang DOH ng 82 bagong paggaling kaya 4,330 na rito ang mga nakarekober.
Pahayag ni Vergeire, 168 dito ang fresh cases o mga kumpirmadong kaso sa nakalipas na tatlong araw, habang 76 naman ang late cases o mga kasong matagal nang na-test pero ngayon lang nakumpirma.
Kasabay nito, tatlo naman ang bagong namatay na pasyente kaya 987 na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa ating bansa.