Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon, Hunyo 8 .
Pumapalo na sa 22,474 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa matapos maitala sa 579 pa ang napaulat na kaso ng virus.
Sa nasabing bilang 331 ang fresh cases habang 248 naman ang late cases.
Sinabi ng DOH na walo pa ang nasawi kayat nasa isanlibo at labing isa na ang death toll sa COVID-19.
Nasa 107 pasyente naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19 kayat pumapalo na sa mahigit 4,000 ang total recoveries mula sa nasabing sakit.