Sumirit na sa 234,570 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,529 na bagong kumpirmadong kaso.
Kaugnay nito, umakyat na sa 161,668 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 1,136 na COVID-19 positives.
Samantala, sumampa na sa 3,790 ang death toll sa bansa matapos pumanaw ang 53 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,529 ngayong Sabado, Setyembre 5.
Pumalo na sa kabuuang 234, 570 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 69,112 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/CdFTDnuRe7
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 5, 2020