Patuloy ang pag akyat ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ng Department of Health (DOH) na pumapalo na sa 245,143 ang kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 3,176 na bagong infections.
Kabilang sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Metro Manila – 1,327, Batangas – 260, Laguna – 193, Rizal – 176 at Negros Occidental – 155.
Naitala naman sa 185,543 ang total recoveries na nadagdagan ng 376 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Pitumpu ang nadagdag sa death toll na nasa 3,986 na.
Rumehistro naman sa 55, 614 ang active cases kung saan 88. 3% ang mild, 8.6% ang asymptomatic, 1.3% ang severe at 1.8% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,176 ngayong Miyerkules, Setyembre 9.
Pumalo na sa kabuuang 245,143 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 55,614 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/FyQ7WeCH9t
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 9, 2020