Tumuntong na sa 257,863 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,935 na bagong kompirmadong kaso.
Sa bilang na ito, nasa 66,455 ang active cases habang ang 2,619 sa mga nadagdag na kaso ay mula sa National Capital Region. (NCR)
Umakyat naman sa 4,292 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 186 na pasyente.
Samantala, sumampa na sa 187,116 ang mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,935 ngayong Sabado, Setyembre 12.
Pumalo na sa kabuuang 257,863 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 66,455 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/98p7m8GVl5
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 12, 2020