Tila tuloy-tuloy na ang pagtaas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) recoveries sa Pilipinas kumpara sa mga namamatay sa virus.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 20,472 na bagong recoveries dahilan upang tumuntong sa 207,568 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit.
Pinakamarami pa rin sa National Capital Region na nakapagtala ng 1,307 na bagong kaso na sinundan ng Cavite, Laguna, Negros Occidental at Rizal.
Nadagdagan naman ng 3,372 ang mga kumpirmadong kaso kaya pumalo na sa 261,216 ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, nasa 49,277 na lamang ngayon ang active cases.
Samantala, sumirit na sa 4,371 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng pagpanaw ng 79 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,372 ngayong Linggo, Setyembre 13.
Pumalo na sa kabuuang 261,216 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 49,277 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/gb2Ctim9WI
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 13, 2020