Sumampa na sa 26,781 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong Martes, Hunyo 16.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 364 cases sa nakalipas na magdamag.
Sa naturang bilang, 249 dito ay “fresh” cases at 115 naman ang “late”.
128 sa bilang ng fresh cases ay mula sa Metro Manila; 56 sa Central Visayas; at 65 mula sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
24 naman sa bilang ng late cases ang mula sa Metro Manila; 3 sa Central Visayas; at 88 sa ibat-ibang lugar.
Samantala, 301 ang nadagdag sa bilang ng recoveries sa nakalipas na magdamag kung saan umabot na ito sa 6,552.
Bukod dito, umabot na sa 1,103 ang death toll ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang DOH ng 5 karagdagang bilang ng mga namatay.