Pumalo na sa kabuuang 269,407 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Ito’y makaraang makapagtala ng 3,544 na panibagong kaso ng nakamamatay na virus sa nakalipas na magdamag.
Tatlong daan siyamnapu’t lima (395) naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober o tuluyan nang gumaling sa COVID-19, kaya’t umabot na ito sa kabuuang 207, 352.
Sa kaparehong bulletin, umabot na sa 4,663 ang mga nasawi sa virus, matapos na maitala ang 34 na mga bagong nasawi sa COVID-19.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,544 ngayong Martes, Setyembre 15.
Pumalo na sa kabuuang 269,407 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 57,392 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/VIYRMB4aHp
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 15, 2020