Nakapagtala ng karagdagang 2,833 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DOH).
Dahil dito umakyat pa sa 294,591 ang kabuuang kaso sa bansa.
Ayon sa DOH, malaking bahagi ng mga bagong kaso ay naitala sa Metro Manila na umabot sa 1,222.
Sinundan ito ng Cavite na nakapagtala ng 228 bagong kaso, Negros Occidental na 206, Batangas na 143 at Bulacan na nakapagtala ng 141 bagong infections.
Samantala, umakyat sa 231,373 ang kabuuang bilang ng gumaling mula sa COVID-19 matapos madagdagan ng 765 bagong recoveries.
Nadagdagan naman ng 44 ang bilang ng nasawi dahilan kaya umakyat na sa kabuuang 5,091 ang kabuuang death toll sa COVID-19.
Sa naturang bilang ng mga bagong nasawi, 21 ang nareclassified matapos tukuyin bilang dating recoveries habang isa naman ang unang naitalang nasawi at ni-reclassify bilang recovery makaraang dumaan sa validation.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,833 ngayong Miyerkules, Setyembre 23.
Pumalo na sa kabuuang 294,591ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 58,127 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/mtKT8fFsRq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 23, 2020