Pumapalo sa 3, 564 ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa dahilan para sumirit sa 342, 816 ang kabuuang kaso ng nasabing virus.
Ang Metro Manila pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 1, 344 sumunod ang Cavite – 215, Laguna – 212, Rizal – 211 at Iloilo – 164.
Ipinabatid ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 293, 152 ang total recoveries matapos maitala sa 150 ang mga bagong gumaling sa naturang sakit.
Rumehistro na rin sa 6, 332 ang death toll nang maitala ang 11 mga bagong nasawi sa virus.
Nasa 43, 332 ang active cases na sumasailalim sa treatment o quarantine kung saan 83. 9% ang mild, 10. 8% ang asymptomatic, 1.7% ang severe at 3.6% ang critical condition.
Hanggang nitong nakalipas na October 11 mayruon nang 145 licensed laboratories ang bansa at nakapag test na ang mga ito ng halos 4 milyong indibidwal samantalang 47% ng COVID-19 ICU beds sa buong bansa ang okupado at 22% ng mechanical ventilators ang nagamit na.
Ang Pilipinas ayon sa World Health Organization ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Western Pacific Region.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,564 ngayong Lunes, Oktubre 12.
Pumalo na sa kabuuang 342,816 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 43,332 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/cS7iCi2oYK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 12, 2020