Mahigit na sa 36,000 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 985 bagong kaso ang Department of Health (DOH) kahapon.
Dahilan kaya’t pumalo na sa 36,438 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mula sa nabanggit na karagdagang kaso, 643 ang tinukoy bilang fresh cases o mga bagong validated na kaso habang 342 ang late o mga na-validate na kaso matapos ang tatlong araw at higit pa.
Nadagdagan naman ng 270 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19 kaya’t umakyat na sa kabuuang 9,956 ang naitalang recoveries.
Samantala, umakyat naman sa 1,255 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos namang madagdagan ng 11 bagong namatay.