Umakyat pa sa 396,395 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,442 na bagong kaso.
Ayon sa DOH, pinakamataas na bilang ng new infections ang naitala sa Rizal na umaabot sa 138.
Sinusundan ng Manila City na 131, Benguet na 130, Batangas na 113 at Bulacan na 112.
Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 11,430 na mga bagong nakarekober na pasyente, bilang bahagi ng kanilang “Oplan Recovery”.
Dahil dito, umakyat na sa 361,638 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa buong bansa.
Habang umakyat na sa 7,539 kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa buong bansa matapos madagdagan ng 54.
Limang kaso naman na unang naitala bilang recoveries o gumaling ang nire-classify ng DOH bilang nasawi.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,442 ngayong Linggo, Nobyembre 8.
Pumalo na sa kabuuang 396,395 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,218 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/5jKFe4V1B2
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 8, 2020