Pumalo na sa 398,449 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa datos na inalabas ng Health Department, ito’y makaraang maitala ang 2,058 na mga bagong kaso ng virus.
Mababatid na aabot pa sa 29,018 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, 82.7% sa mga ito ang mild cases, 9.4% ang mga asymptomatic, 2.8% naman ay severe, habang ang nalalabi ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Isang daan at walumpu’t dalawa (182) naman ang karagdagang bilang ng mga gumaling o nakarekober na sa COVID-19, kaya’t nasa 361,784 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Sa kaparehong datos, 7,647 na ang mga nasawi dahil sa COVID-19, matapos itong madagdagan ng 108.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,058 ngayong Lunes, Nobyembre 9.
Pumalo na sa kabuuang 398,449 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 29,018 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/fAxYVqgxBX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 9, 2020