Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,530 na bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections sa Pilipinas.
Dahil dito, sumirit na sa 407,838 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa bansa.
Sa pinakahuling case bulletin ng DOH, binanggit na aabot sa 11,290 na mga pasyente ang pinakahuling gumaling mula sa sakit dahilan upang pumalo sa 374,329 ang total recoveries.
Sinasabing sa nabanggit na bilang ay nasa 25,677 na lamang ang active cases.
Samantala, sumampa naman sa 7,832 ang death toll matapos pumanaw ang 41 pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,530 ngayong Linggo, Nobyembre 15.
Pumalo na sa kabuuang 407,838 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 25,677 naitalang active cases. https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/gjWgkb8y8Q
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 15, 2020