Sumirit na sa 410,718 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang naitalang 1,148 na bagong kaso.
Ayon sa DOH, mababa ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 dahil sa kakaunting mga laboratoryo na nakapagsumite ng resulta kumpara noong mga naunang araw at nakaraang linggo.
Nangunguna naman sa nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ang Cavite na umabot sa 88.
Sinundan ng Quezon City na mayroong 52 na bagong kaso ng COVID-19, Rizal na 46, Baguio City at Manila City na kapwa 44.
Samantala, umakyat naman sa 374,543 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos madagdagan ng 186 na bagong mga recoveries.
Habang nasa kabuuang 7,862 na ang nasawi kung saan 23 ang naitalang bagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,148 ngayong Martes, Nobyembre 17.
Pumalo na sa kabuuang 410,718 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 28,313 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/0QZ5BhRzWJ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 17, 2020