Sumirit na sa 420,614 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos madagdag ang 1, 799 na mga bagong kaso ng virus.
Ipinabatid ng Department of Health na ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 154, sumuno ang Rizal – 114, Quezon City – 99, Bulacan – 76 at laguna – 67.
Umakyat naman sa 386, 604 ang total recoveries nang maitala ang 135 na mga bagong gumaling sa naturang virus.
Pumapalo na sa 8, 173 ang death toll matapos madagdag ang 50 bagong nasawi sa COVID-19.
Nasa 25, 837 ang active cases na sumasailalim sa gamutan o kaya naman ay naka-quarantine kung san 83.5% ang mild, 7.8% ang asymptomatic, 2.9% ang severe at 5.5% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,799 ngayong Lunes, Nobyembre 23.
Pumalo na sa kabuuang 420,614 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 25,837 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/FPnHfGsbJe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 23, 2020