Pumapalo na sa 424, 297 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos madagdagan ng 1, 392 na mga bagong kaso.
Ipinabatid ng DOH na Caloocan City ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 77, sumunod ang Cavite – 73, Laguna – 73, Davao City – 62 At Quezon – 60.
Umakyat naman sa 387, 266 ang total recoveries matapos gumaling ang 328 pang pasyente mula sa COVID-19 samantalang sumirit sa 8, 242 ang death toll nang nasawi ang 27 iba pa.
Nasa 28,789 ang aktibong kaso ng COVID-19 na sumasailalim sa gamutan o quarantine kung saan 84% ang mild, 8.3% ang asymptomatic, 2.6% ang severe at 4.9% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,392 ngayong Huwebes, Nobyembre 26.
Pumalo na sa kabuuang 424,297 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 28,789 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/3lDAk1Ni6H
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 26, 2020