Pumalo na sa mahigit 430,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,773 panibagong COVID-19 cases ngayong Lunes, Nobyembre 30.
Dahil dito, nasa 431,630 na ang total cases, kung saan 24,580 dito ay active cases.
Samantala, 44 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 398,658 ang total recoveries
Habang 19 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 8,392 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,773 ngayong Lunes, Nobyembre 30.
Pumalo na sa kabuuang 431,630 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 24,580 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/UVGRLCPASW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 30, 2020